fbpx

Libreng Membership at pinababang salary loan interest rate para sa AFP Armor “Pambato” Division

Pamamahagi ng Libreng Membership at Pinababang Salary Loan Interest Rate

Noong July 31, 2024, bumisita ang AMWSLAI na pinangunahan nina MSG Bobby C. Casa PAF (Ret), Chairman ng Committee on Bids & Awards at Solicitations & Donations, at 2LT Manuel G. Galvez PAF (Ret), Chairman ng Committee on Membership. Bumisita ang AMWSLAI kila Major General Pedro C. Balisi Jr. PA, Division Commander ng Philippine Army Armor Division, at kay Brigadier General Charlemagne F. Batayola Jr. MNSA PA, Assistant Division Commander, sa Capas, Tarlac upang ibahagi ang libreng AMWSLAI Membership and mas pinababang salary loan interest rate.

amwslai pinababang salary loan interest rate para sa AFP Armor Pambato Division2

Kasama rin sa pagbisita sina Leilanie F. Casa, MNSA PA (Res), Senior Vice President ng Business Operations Directorate, at Divinia F. Estalilla, Area Operations Manager, pati na ang Branch Manager at staff ng Tarlac Branch. Pinag-usapan nila ang kahalagahan ng pagtutulungan para mapalakas ang financial literacy program ng Division sa pamamagitang ng AMWSLAI Financial Intelligence Program. Binibigyang-diin nila na mahalaga ang may alam sa pagdedesisyon pagdating sa pang pinansyal na usapin ng mga sundalo. Masayang tinanggap ni MGEN Balisi Jr. ang advocacy ng AMWSLAI at nangakong susuportahan ang programa.

Ibinida ng AMWSLAI Board of Trustees and ilang Management Officers ang libreng membership program at mga mas pinaganda salary loan interest rate deals at deposit products na swak sa mga Ka-Tropa. Ang free membership ay naglalayong maipalaganap ang AMWSLAI membership sa pamamagitan ng pag bigay ng 1,000 pesos initial capital contribution deposit. Ang mga tumangkilik ng AMWSLAI free membership program ay magkakaroon ng 1,000 sa kanilang Capital Contribution account. Ang pagbisita ng AMWSLAI ay naglalayong maihayag ang adbokasiya na magbigay ng mga produktong pinansyal na makakatulong sa mga organic personnel ng Armor Division.

amwslai pinababang salary loan interest rate para sa AFP Armor Pambato Division

Ano ang Armor Division o “Pambato”?

Ang Philippine Army Armor Division ay mahalagang bahagi ng depensa ng bansa. Sila ang nagbibigay ng support para mas palakasin ang kakayahan ng hukbo. Sila ang bahala sa mobilidad, firepower, at proteksyon ng mga sundalo sa iba’t ibang laban. Handa silang harapin ang iba’t ibang hamon na kinakaharap ng Pilipinas.

Ang Armor “Pambato” Division, mula sa kanilang website ay:

One of the Philippine Army’s Major Unit or PAMU, the Armor (Pambato) Division is a combined arms organization composed of Tank, Cavalry and Mechanized Infantry. The Armor family is a combination of strength and flexibility ready to undertake anything that lies ahead of them. Team Armor is adaptive to whatever scenario In other words, we bend but we do not break.” The Division was then called the Philippine Army Light Armor Regiment (PALAR) and was upgraded to Light Armor Brigade in March 19, 1986. In 2006, it was again upgraded to Light Armor Division, renamed as Mechanized Infantry Division in 2011 and finally redesignated as the Armor (Pambato) Division in 2019.

The Moniker “Pambato” was first used in 1976 during its PALAR days. It was said then that Pambato means “piling yunit ng hukbong katihan na panlaban sa larangan ng pakikidigma.” This is pronounced “pambato”’ with stress at the second syllable “ba” synonymous with “panlaban” which is translated in English as “bet” or the single best unit/person/item amongst a group in the same category, in the hope of winning the field or game they are playing.

Layunin at Adbokasiya ng AMWSLAI

Ang AMWSLAI ay nagbibigay ng iba’t ibang produkto at serbisyong pinansyal para matulungan ang mga miyembro ng Armed Force of the Philippines at kanilang pamilya na magkaroon ng matatag na kalagayang pinansyal. Tinutulungan ng AMWSLAI ang mga miyembro sa pamamagitan ng mga loan, welfare programs, at iba pang deposit services. Layunin ng AMWSLAI na matulungan ang mga organic personnel ng Armed Forces of the Philippines na makabuo ng generational wealth—isang adbokasiya na nakatuon sa pagkakaroon ng yamang maipapamana. Kasama rito sa adbokasiya ang pagkakaroon ng milliong ipon at ari-arian para sa mga organic personnel ng AFP.

Scroll to Top

SAVINGS APPLICATION INQUIRY

This online savings application inquiry does not replace the standard savings application form to be accomplished by member.  Applicants still need to accomplish a savings application form with specimen signatures and other information needed to complete the savings account application process.  Our customer service shall contact applicants on the status of their applications.

Loan Application Inquiry

This online loan application inquiry does not replace the standard loan application form to be accomplished by member.  Applicants still need to accomplish a loan application form with specimen signatures and other information needed to complete the loan application process.  Our customer service shall contact applicants on the status of their application.