Free Membership Program Extended Hanggang Disyembre 2024

Magandang balita para sa mga Bayaning Pilipino mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) – ang Free Membership program ay extended na hanggang December 2024!

Layunin ng programang ito na bigyan ng pagkakataon ang lahat ng miyembro ng AFP at PNP, na hindi pa miyembro, na ma-experience ang Bayaning Serbisyo na ipinagmamalaki ng AMWSLAI.

Simula pa noong 1956, ang AMWSLAI ay nagbibigay na ng financial service para sa mga bagong bayani ng Pilipinas – ang AFP at PNP. Libu-libong sundalo at pulis na ang nakinabang sa Free Membership Program ng AMWSLAI kasama ng kani-kanilang mga asawa kung kaya naman ito ay patuloy na pinalawig.

Ang aming misyon ay hindi lamang tungkol sa pagpapahiram ng salapi sa pamamagitan ng AFP and PNP loans; ito’y naglalayong tulungan ang bawat miyembro na magkaroon ng kanilang sariling yaman na maipapamana sa mga susunod pa nilang henerasyon o ang tinatawag na generational wealth.

Kung kaya naman, dahil sa matinding pagpapahalaga ng AMWSLAI sa pamilya ng bawat sundalo at pulis, maging ang kanilang legal na asawa ay sakop din ng programang ito. Ito ay bilang pagkilala na rin sa mga babaeng nasa likod ng matagumpay na pagseserbisyo ng ating mga bayani.

Mga Benepisyo para sa mga Miyembro ng AMWSLAI

Ang pagiging miyembro ng AMWSLAI ay nagbubukas ng maraming bagong oportunidad upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat sundalo at pulis na magiting na naglilingkod sa ating bayan.

Narito ang ilan sa mga benepisyo na ibinibigay ng AMWSLAI:

Sponsorship para sa mga dependent: Bagamat hindi kasali sa Free Membership ang kanilang mga dependents, maliban sa legal na asawa, ang lahat ng aktibong miyembro ng AFP at PNP ay may karapatang magsponsor ng kanilang mga dependent up to second degree of consanguinity and affinity.

Ano ang benefit ng dependent?

Ang kanilang savings sa AMWSLAI capital contribution ay kikita ng dividends na katulad ng isang sundalo o pulis. Ang pagiging miyembro ninyo sa AMWSLAI ay aabot sa iyong mga mahal sa buhay.

Free 1-year Accident Insurance: Bilang pasasalamat, awtomatikong nakakatanggap ang bawat new member na nasa aktibong serbisyo ng free accident insurance sa loob ng isang taon. Ito’y isang dagdag na seguridad para sa iyong kaligtasan, sa loob o labas ng trabaho.

Access sa Mababang Interes sa Loan Products: Batid naming ang mga pangangailangan pinansyal ng ating mga bayani, kaya’t iniaalok ng AMWSLAI ang access sa credit services sa mababang interes. Layunin nito ang gawing mas madali ang iyong pagharap sa mga emergency expenses.

Dekalidad na Customer Service: Ang bawat empleyado ng AMWSLAI ay punong puno ng dedikasyon na matulungan ang mga makabagong bayani ng ating bansa na mula sa hanay ng AFP at PNP. Tanging hangad namin ang makapagbigay ng natatanging ang karanasan sainyo na inyong babalik-balikan sa oras ng pangangailangan.

Paano mag-apply ng Free Membership?

membership

Ang proseso ng AMWSLAI Membership ay napakadali.

Pumunta lamang sa pinakamalapit na opisina ng AMWSLAI sainyong lugar dala ang inyong AFP/PNP ID, isa pang government issued ID, at isang 2×2 ID picture.

Kung hindi mo kayang pumunta nang personal, i-click lamang ang button sa ibaba at i-fill out ang online form. Kayo ay kaagad tatawagan ng aming representative upang ayusin ang inyong schedule of appointment.

Maari rin kayong magpadala ng mensahe sa AMWSLAI official Facebook, I-click lamang ang Facebook Messenger icon na makikita sa lower right ng AMWSLAI website.

Ang pinalawig na Free Membership Program ng AMWSLAI ay hindi lamang tungkol sa libreng deposito.

Ito’y isang hakbang patungo sa isang masaganang henerasyon. Tayo na at isulong ang isang matatag at maunlad na hinaharap para sa iyo, sa iyong pamilya, at sa iyong komunidad.

Scroll to Top

SAVINGS APPLICATION INQUIRY

This online savings application inquiry does not replace the standard savings application form to be accomplished by member.  Applicants still need to accomplish a savings application form with specimen signatures and other information needed to complete the savings account application process.  Our customer service shall contact applicants on the status of their applications.

Loan Application Inquiry

This online loan application inquiry does not replace the standard loan application form to be accomplished by member.  Applicants still need to accomplish a loan application form with specimen signatures and other information needed to complete the loan application process.  Our customer service shall contact applicants on the status of their application.