Si Gng Marilyn Salonga ang maybahay ng yumaong si Msgt. Bernabe Salonga ng Philippine Army. Siya ay naninirahan sa Capas Tarlac kasama ang kanilang anak na sina Marvin, Bernalyn, Bernabe, Angel Joy at Ariah. Pumanaw si Msgt Salonga noong ika-16 ng Marso 2016
dahil sa sakit sa atay na naging dahilan ng pagkaulila ng kanyang pamilya. Kinalaunan, nakatanggap si Gng Salonga ng tawag mula kay Maj Ancheta tungkol sa death benefit ng kanyang asawa mula sa AMWSLAI.
Maliban sa abuloy na P50,000 para sa mga naulila ng namayapang miyembro, ang AMWSLAI ay nagbalik din sa kanila ng pera mula sa loan insurance.
Miyembro ng AMWSLAI mula pa noong 03 May 1994 si Msgt Salonga at dahil dito, napaluha sa magandang balita si Gng Marilyn dahil sa magandang benepisyo sa loan ng kanyang asawa noong Hulyo 2013 dahil lahat ng naibayad ni Msgt Salonga sa nasabing loan noong nabubuhay pa sya ay
ibinalik sa kanila ng AMWSLAI sa halagang P159,947.26.
Isang napakalaking tulong para sa panibagong panimula nila Gng Marilyn at ng kanyang mga anak. Si Gng Marilyn ang presidente ng OCS Tradoc Laundry Women na isang samahan ng mga tumatanggap ng labada mula sa estudyante at ng sundalo sa loob ng Tradoc
kaya naman ang perang natanggap ay napakalaking tulong sa kanyang panibagong panimula. Ito ay gagamiting pandagdag puhunan sa pag-bili ng washing machine para sa kanilang munting kabuhayan at pagpapatayo ng maliit na tindahan ng bigas.
Pahayag ni Gng Salonga, “Maraming salamat sa AMWSLAI dahil lahat ng naibayad ng asawa ko simula noong nabubuhay pa siya ay ibinalik ninyo sa akin”