Katropa Referral Rewards Extended hanggang Hunyo 2024

Kung ikaw ay aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), ito ay isang magandang balita para sa iyo ka-tropa!

Ang handog ng AMWSLAI na Katropa Referral Rewards promo ay extended na hanggang June 2024! Narito ang ilan sa mga impormasyon na kinakailangan ninyong malaman upang makatulong ang programang ito at ang AMWSLAI sa iyo at sa iyong kinabukasan.

Mula pa noon, layunin na ng AMWSLAI na tumulong sa ating mga makabagong bayani na kinabibilangan ng ating mga kasundaluhan at kapulisan. Dahil sa hangarin na ito, maraming mga programang inilunsad ang asosasyon upang makapagpagaan sa buhay ng bawat miyembro nito. Totoo nga naman na hindi biro ang nararanasan ng mga pulis at sundalo sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan at siyang nagbibigay ng daan sa kanila upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya. Dahil dito, mas pinagbuti ng AMWSLAI ang mga programang kagaya ng Katropa Referral Rewards para magbigay ng pag-asa at ipaalam sa bawat sundalo at pulis na hindi pa huli ang lahat para makapag-ipon. Ang pagpapalaki ng kita ay walang pinipiling panahon o edad kung kaya’t mahalaga na magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagpapalago ng perang kinikita upang magamit pa sa mas malaking plano mo sa iyong buhay.

Ano ang AMWSLAI Katropa Referral Rewards?

Ito ay programang handog ng AMWSLAI na naglalayong matulungan ang mga miyembro na makapag-simula sa pagbuo ng kanilang generational wealth.

Isa sa prayoridad ng AMWSLAI ay ang pagtuturo ng Financial Intelligence sa mga miyembro upang sila ay magkaroon ng long term financial goals. Sa taas ng bilihin at mahal ng mga gastusin, ang ating kinikitang pera ay halos sakto lamang. Marahil ikaw ay nag-iisip kung paano makakaalis sa estadong sapat-sapat lamang tuwing araw na ng sweldo o kaya naman kung minsan ay nag-aalala kung saan huhugot ng pera para sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkakasakit.

Ang Katropa Referral Rewards ay isang paraan upang magkaroon ng other income bukod sa iyong buwanang sweldo.

Kung ikaw ay may kasamahan na nangangailangan ng tulong pang-pinansiyal o naghahanap ng mapag-iimpukan ng kanyang pinaghirapang kita, maaari mong i-refer ang aktibong sundalo o pulis na hindi pa miyembro ng AMWSLAI.

Ikaw ay kikita ng 500 pesos referral rewards sa bawat aprubadong membership application!

Kung sila naman ay nagbabalak na mag-loan sa parehong araw ng kanilang pagpapamiyembro, ikaw ay makakatanggap ng karagdagang 1,500 pesos. Walang limit sa kung gaano karami ang iyong mahihikayat maging miyembro at magloan sa AMWSLAI kung kaya’t maaari kang kumita ng malaki.

Ang referral rewards na iyong matatanggap ay maaaring ideposito sa iyong Capital Contribution upang kumita ito ng dibidendo kada taon. Ito ay magsisilbing passive income na hindi mo na kailangan pang bantayan kada minuto dahil ang AMWSAI na ang bahalang magpalaki nito para sayo.

Hindi nga naman madali ang pagpapayaman at hindi lahat ay ipinanganak na swerte at may ginintuang kutsara sa bibig ngunit sa tulong ng programang ito, mas mapapagaan ang iyong buhay lalo na sa aspetong pang pinansyal.

Sinong mag-aakala na sa paraang ito, magkakaroon kayo ng pagkakataong kumita!

referral rewards

Ang pinalawak na Katropa Referral Rewards program ay isang mahalagang kasangkapan para sa pagpapalaganap ng kaalamang pang-pinansiyal.

Sa estado ng ekonomiya na ating kinakaharap ngayon, nararapat lamang na tayo ay maging maparaan pagdating sa paghahanap ng iba pang pagkakakitaan maliban sa ating buwanang sahod.

Ang konsepto ng “financial intelligence” ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng pera at kaalaman sa pag-gastos.

Ito ay tungkol sa maayos na pamamahala at pagpapalago ng pera na iyong pinaghirapan para sa iyong pangmatagalang seguridad pang-pinansiyal.

Maaari mong hikayatin ang mga modernong bayani mula sa hanay ng AFP at PNP tungo sa daan na mag-bibigay sa kanila ng magandang panimula.

Kumita ka na, nakatulong ka pa!

Refer na!

Scroll to Top

SAVINGS APPLICATION INQUIRY

This online savings application inquiry does not replace the standard savings application form to be accomplished by member.  Applicants still need to accomplish a savings application form with specimen signatures and other information needed to complete the savings account application process.  Our customer service shall contact applicants on the status of their applications.

Loan Application Inquiry

This online loan application inquiry does not replace the standard loan application form to be accomplished by member.  Applicants still need to accomplish a loan application form with specimen signatures and other information needed to complete the loan application process.  Our customer service shall contact applicants on the status of their application.