Ikaw ba ay interesadong kumita ng abot hanggang sa Php2,000? Ang paborito ng lahat na Katropa Referral Rewards para sa mga aktibong miyembro at kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), mas pinatagal pa!
Handog ng AMWSLAI sa kanilang masusugid na mga miyembro ang patuloy na pagbibigay ng oportunidad upang mapaigting ang kanilang kakayanang pampinansiyal.
Ano nga ba ang depinisyon ng Katropa Referral Rewards?
Ang Katropa Referral Rewards ay isa sa mga programang pampinansyal ng AMWSLAI kung saan ikaw ay maaaring magkaroon ng karagdagang kita sa pamamagitan lamang ng member referral.
Mayroon bang nabago sa programang ito mula noong ito ay nailunsad?
Walang pagbabago sa mga tuntunin na nararapat sundin upang makakuha ng cash incentive mula sa programang ito. Narito ang maaari ninyong gawin upang makatanggap ng cash incentive mula sa AMWSLAI.
- Ikaw ay maaaring makatanggap ng PHP 500 sa bawat matagumpay na referral at aprubadong membership application.
- Kung ang iyong nairefer na bagong miyembro ay magtutuloy sa paglo-loan sa kaparehong araw ng kanyang pagpapamiyembro, ikaw ay makakakatanggap ng karagdagang PHP 1,500.
- Nananatiling hindi limitado ang dami ng aktibong PNP at AFP personnel na iyong maaaring i-refer kaya’t posible na ikaw ay kumita rin ng malaki sa pamamagitan lamang ng panghihikayat sa iyong mga kabaro na magpamiyembro at mag-simula na rin sa pag-iimpok ng pera.
Ano ang kahalagahan ng programang ito?
Nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin dulot ng hindi mapipigilang inflation na kinakaharap hindi lamang ng mga mamamayang Pilipino, kundi pati na rin ng iba pang mga lahi sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng matinding pangangailangan upang kumita ng mas malaki para sa araw araw na gastusin ay isang dahilan kung bakit ang AMWSLAI ay nagpasimula ng ganitong uri ng programa.
Maliban sa pamimigay ng cash incentive, ang AMWSLAI ay naglalayon rin na makapagbahagi ng kaalamang pampinansyal sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang mga miyembro kung paano sisimulan ang pag-buo ng long-term financial security. Numero uno sa listahan ng AMWSLAI ang pag-papakilala sa konsepto ng Financial Intelligence sa kanilang mga miyembro sapagkat ito ang maaaring maging daan ng kanilang pag-angat sa buhay.

Sa paanong paraan nga ba maaaring gamitin ang pera na iyong makukuha sa referral program?
- Ito ay maaaring idagdag sa iyong ipon sa pamamagitan ng pagdedeposito sa iyong Capital Contribution.
- Ang naideposito mo sa iyong Capital Contribution account ay magiging passive income sapagkat ito ay kikita ng dibidendo kada taon.
- Maaari rin magamit ang nakuhang incentive bilang emergency fund o pondo para sa pang-araw araw na gastusin.
Bukod sa benepisyong pampinansyal, ang programang ito ay isang paraan ng pagtulong sa iyong kapwa sundalo at pulis upang makahanap ng maayos at ligtas na pag-iimpukan ng kanilang pinaghirapang kita. Sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng AMWSLAI, sila ay magkakaroon ng mas maganda at maraming oportunidad upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa tamang pag-hawak, pag-papaikot, at pag-papalago ng pera.
Sa pamamagitan ng Katropa Referral Rewards, hindi mo lamang pinalalakas ang iyong sariling kita, kundi nakakatulong ka rin sa iba upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Kumita ka na, nakatulong ka pa! Huwag palampasin ang pagkakataong ito— refer na ngayon!
*This post has been updated on March 19, 2025 based on the previous article on Katropa Referral Program