Ang Pinalawig na AMWSLAI Free Membership program ay extended!
Bilang bayaning Pilipino mula sa Armed Forces of the Philippines o Philippine National Police, maaari kang mag-enjoy ng AMWSLAI Free Membership! Tama ang nabasa mo—walang bayad.
Ang Expanded Free Membership ay promotional program na naglalayon na mabigyan ang lahat ng active AFP at PNP na hindi pa miyembro ng pagkakataong maranasan ang natatanging Bayaning Serbisyo na iniaalok ng AMWSLAI. Ang programang ito ay nagbibigay ng 1,000 pesos initial deposit sa Capital Contribution account ng magpapamyembro.
Layunin din ng programa na tulungan ang ating mga Bayaning Pilipino na makapagtayo ng generational wealth sa pamamagitan ng pag-extend ng free membership sa kanilang legal na asawa. Nais naming tiyakin na ang mga asawa ng aming mga miyembro ng AFP at PNP ay nararamdaman ang aming suporta at pag-aalaga.
Benepisyo para sa mga miyembro:
Sponsorship para sa mga Dependents
Ang lahat ng aktibong miyembro ng AFP at PNP ay maaaring magsponsor ng kanilang mga dependent up to second degree of consanguinity and affinity upang makapagbukas ng Account. Sa pamamagitan ng oportunidad na ito, family members of our Bayaning Pilipino can start their financial journey and build their generational wealth.
Free 1-year accident insurance
The AMWSLAI Free Membership Program ay nagbibigay ng isang taong free accident insurance upang masiguro ang pisikal na proteksyon ng bawat aktibong miyembro ng AFP at PNP.
Mababang Interes sa AMWSLAI Loan Product
Kapag nagkaroon ng biglaang pangangailangan o emergency makatutulong ang AMWSLAI Free Membership Program para maging handa ang aming miyembro sa ganitong hindi inaasahang pangyayari sa pamamagitan ng pagbibigay ng mababang loan interest rate. Dahil dito, mas mae-enjoy ng mga miyembro ang karagdagang loan products na siguradong makakatugon sa kanilang pangangailangan.

Madali lang mag-avail ng Free Membership!
Punan ang Member Information Form (MIF) at isumite ito kasama ng iyong AFP/PNP ID sa pinakamalapit na AMWSLAI branch. Para sa asawa, MIF, 2 Gov’t valid IDs at ilang karagdagang requirements ang kailangang isumite:
- Kopya ng appointment order ng spouse
- Marriage certificate
- Isang 2×2 ID photo
- Photocopy ng 2 valid government-issued IDs ng sponsor/spouse na may 3 specimen signatures
Huwag palampasin ang pagkakataong maging miyembro ng AMWSLAI at matamasa ang mga benepisyong hatid ng AMWSLAI Free Membership Program! Simulan ang iyong journey patungo sa pinansyal na kasaganaan!
*This post has been updated on March 19, 2025 based on the previous article on Free Membership Program