Si SPO4 Francisco G. Pacaldo, retired PNP, 65 taong gulang, may asawa at may walong anak, ay miyembro ng Air Materiel Wing Savings & Loan Associaion Inc (AMWSLAI).
Ani SPO4 Pacaldo, “bilang isang ordinaryong pulis na walang ibang inaasahan kundi ang maliit na sahod ay napakahirap po ang magpa-aral ng mga anak. Napakalaki po ang tulong na nagawa at nagagawa hanggang ngayon ng AMWSLAI sa aking pamilya dahil ito ang naging katuwang ko sa pagtataguyod ng pag-aaral ng

aking mga anak na ngayon ay isa ng doctor (dentist) at pulis. Ang bunso ko naman ngayon ay nasa kolehiyo na. Nagkaroon din kami ng tindahan na nakakatulong sa pang-araw-araw naming gastusin. Mula pa noong ako’y nasa active service at hanggang sa ngayong retired na ako ay patuloy pa rin akong natutulungan ng AMWSLAI.”
Isang malaking pasasalamat ni SPO4 Pacaldo sa AMWSLAI sapagkat ayon sa kanya, isang malaking tulong ang maging miyembro nito dahil sa pamamagitan ng loan products ng Asosasyon ay naitaguyod niya ang pag-aaral ng kanyang mga anak.