Ang AMWSLAI ay patuloy sa pagbibigay ng walang kapantay na serbisyo at mga benepisyo para sa kanilang mga masusugid na miyembro partikular na sa mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Isa sa mga programang ito ay ang retention program na naglalayong madagdagan ang mga benepisyo na maaring makuha ng mga member-borrowers na mag-loloan mapa-aktibo man o retirado.
Sa ilalim ng programang ito, ang mga magpoproseso ng kanilang loan renewal na hindi bababa sa P200,000 para sa mga aktibo sa serbisyo, at P500,000 para sa mga retiradong miyembro, ay makatatanggap ng insentibo na maaaring umabot hanggang P3,500. Ang halaga ng insentibo ay ibabatay sa tagal ng kanilang pagiging miyembro sa AMWSLAI bilang pagpapakita ng pagpapahalaga ng asosasyon sa kanilang patuloy na tiwala at suporta.
Ang Retention Program ng AMWSLAI ay naglalayong rin na mapabuti ang pinansyal na kalagayan ng mga miyembro sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t-ibang benepisyo at konsiderasyon. Kabilang dito ay ang mas pinababang interes sa loan renewal. Sa pamamagitan ng pagpapababa sa nasabing interes ng loan, mas mapapagaan ang pasanin ng mga member-borrower sa pagbabayad ng kanilang mga nahiram. Sa pamamagitan ng pagpapababa ng interes, bababa rin ang buwanang hulog. Ito ay magbibigay sa kanila ng oportunidad upang magamit ang parte na naiawas sa loan amortization sa iba pang aspetong pampinansiyal na kinakailangan nilang bunuin sa pang-araw araw.

Bukod sa mas mababang interes, maaari ring makinabang ang mga miyembro sa iba pang produkto at serbisyo ng AMWSLAI kabilang ang Capital Contribution, Special Savings Deposit, Bawat Miyembro Milyonaryo program, insurance, at iba pang financial planning tools. Ang mga ito ay idinisenyo upang mapanatili ang katatagan at seguridad ng kanilang pananalapi sa hinaharap.
Dahil sa programang ito, naipapahayag ng AMWSLAI ang kanilang patuloy na pangangalaga at pagpapahalaga sa kanilang mga miyembro, lalo na sa mga kasalukuyang naglilingkod o naglingkod na sa AFP at PNP. Ang kanilang suporta ay nagbibigay-inspirasyon sa mga miyembro upang patuloy na pagbutihin ang kanilang buhay at ang kinabukasan ng kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng mga natatanging benepisyo at pribilehiyong ito, pinagtitibay ng AMWSLAI ang kanilang pangako na sila ay patuloy na magsisilbi at susuporta sa ating mga bayani na kawani ng AFP at PNP. Sa ganitong paraan, nananatili silang kaagapay ng kanilang mga miyembro sa pag-usad at pagharap sa mga pagsubok ng buhay ng may seguridad at tiwala.
*This post has been updated on March 24, 2025 based on the previous article on Retention Program