President's Message
AMWSLAI Website Header Mobile Menu CSS

AMWSLAI - NANANATILING TAPAT SA MANDATO NITONG MAGLINGKOD AT PANGALAGAAN ANG KAPAKANAN NG MGA MIYEMBRO NITO


CONSLA AWARD: AMWSLAI Chairman and President Col Ricardo L Nolasco Jr PAF (Ret), received a Plaque of Appreciation from BSP Managing Director, Ms Chuchi G Fonacier during the CONSLA 22nd National Convention on March 22, 2013 at Baguio Country Club. AMWSLAI is awarded 2nd Runner-up in Debt Utilization and Stability Category-Group A, Operational Awards of Excellence 2012.

Sa loob ng mahigit 57 taon, nananatiling tapat ang AMWSLAI sa mandato nitong maglingkod upang itaguyod ang pangangailangang pinansiyal ng mga miyembro nito at maiangat ang kanilang katatayuan sa lipunan.

Mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taong 2013, ipinagkakapuring ipaalam ng Asosasyon na natugunan nito ang iba-ibang pangangailangan ng 24,428 miyembro na nagkakahalaga ng P 6.720 bilyon, mula pang kabuhayan, pang medikal, pang edukasyon, pagbili o pagpapaayos ng tirahan at sasakyan, at paghahanda para sa kinabukasan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng utang na agaran at akma sa kanilang pangangailangan at kakayahang magbayad.

Mula 2011, nakapagkaloob din ang AMWSLAI ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P25.550M sa mga pamilya at beneficiaries na naulila ng 511 miembro sa pamamagitan ng Mutual Benefit Fund (MBF).

Sa programang Bawat Miyembro Protektado (BMP), natulungan din ng Asosasyon ang 4,948 miyembro nito sa kanilang hospital confinements sa pagsagot sa P52.875 M hospital bills.

Sa kabilang dako, mula 2011 hanggang sa kasalukuyan, 342 miyembro ang natulungan ng AMWSLAI na tuparin ang kanilang mangarap na maging milyonaryo sa pamamagitan ng Bawat Miyembro Milyonaryo (BMM).

Patuloy din ang Asosasyon sa pagkakaloob ng Corporate Social Responsibility projects alay sa mga miyembro at sa lipunan gaya ng taos-pusong pagkakaloob ng mga donasyon ng hospital beds sa V-Luna Medical Center at iba pang ospital na nangangalaga sa mga sundalo at pulis, donasyong pinansiyal, equipments at sasakyan sa AFP at PNP commands, donasyong pinansiyal sa PAF Fund para suportahan ang mga disabled PAF personnel, at sa pagsasagawa ng medical missions sa pakikipagtulungan ng Philippine National Red Cross at Rotary Club of Makati Bel-Air. Para bigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang talento at palawakin at palawigin ang camaraderie sa hanay ng AFP at PNP, nagsasagawa ang Asosayon ng taunang Search for the AFP-PNP Singing Superstar. Ang pinakahuli at pinakamalaki sa lahat, ay ang Battle of the Champions na isinagawa sa Music Museum kung saan ang kinita sa proyekto ay ipinagkaloob sa mga pamilya ng mga yumaong pulis at sundalo na nag-alay ng kanilang buhay sa pagtupad sa kanilang dakilang misyon sa pagtatanggol sa watawat at sa paglilingkod sa mga Pilipino.

Bilang pagkilala sa mga natatanging kontribusyon nito sa lipunan at ekonomiya, nakamit ng AMWSLAI ang iba’t-ibang parangal, gaya ng mga sumusunod:

  • 2012 Awards of Merit – 2nd Runner-Up Debt Utilization and Stability Category - Group A, Confederation of Non-stock
    Savings and Loan Associations (CONSLA).
  • 2011 Awards of Merit – 1st Runner Up SLAI of the Year, 1st Runner Up Profitability and Growth Category, 2nd Runner-Up
    Loans and Discount Efficiency Group Confederation of Non-stock Savings and Loan Associations (CONSLA).
  • 2005 No. 1 Financial Institution, 5th National Shoppers Choice Annual Awards.
  • 2003 Savings and Loan Association of the Year, Confederation of Non-stock Savings and Loan Associations (CONSLA).

Back to 2013 News

Terms and Condition    •    Privacy Policy   •   Site Map © Copyright 2014 AMWSLAI. All Rights Reserved.